“ANG PARI: TAGAPAGTANGGOL NG KATOTOHANAN,
“SUNDIN NATIN ANG ATING MGA OBISPO!”
Ito ang sigaw ng isang streamer sa tabi ng kahabaan ng España, Maynila, makaraan lamang na ipalabas ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) ang kanilang pahayag patungkol sa isang kontobersyal na isyu na kinasasangkutan mismo ng Pangulo ng ating bansa.
Bakit kaya ganito na lamang katindi ang sigaw ng sambayanang Pilipino?
Sino ba ang ating mga Obispo at mga kaparian na nararapat nating sundin at pakinggan? Sa gitna ng mga kaguluhang dulot ng iba’t-ibang mga karahasang kinakitaan ng pagsisinungaling at pandaraya, sino pa kaya ang mahihilingan ng ating mga kababayan ng tunay na “liwanag” sa kadilimang bumabalot sa mukha ng ating bansa? Ang ating mga kaparian ba? Sino nga ba sila sa ating lipunan?
Ang PARI…gawa sa babasaging sisidlan na pinuno ng biyaya ng Maykapal; linilok ng mga mahabaging kamay ni Bathala upang maging kaanyo ng Kanyang maawaing puso; daluyan ng mapagkalingang hininga ng buhay upang magbigay lakas sa mga kaluluwang uhaw at nagugutom; tinawag ng Panginoon sa kabanalan upang magsilbing mga kamay Niya sa pagpapamalas ng Kanyang pagmamahal; at tagapagtanggol ng katotohanan sapagkat dala niya ang KATOTOHANAN. Ito ay ilan lamang sa mga pagpapakahulugan sa isang pari bilang alagad ng Diyos sa mundo.
Noong nakaraang buwan, lahat tayo ay nasabik sa ipinalabas na pahayag ng CBCP sapagkat bilang sambayanang Kristiyano, naniniwala tayo na ang kanilang pahayag ay pahayag na rin ng Diyos para sa atin, dahil dala nila ang katotohanang bunga, hindi lamang ng mahabang panahon ng kanilang pagninilay at pag-aaral ng pilosopiya at teyolohiya, kundi ng karunungan ng Diyos na tanging Siya lamang ang pinagmumulan. Marami man ang tumutol sa pahayag ng mga Obispo at mga kaparian, hindi natin maipagkakaila na sila pa rin ang tagapagdala ng katotohanan, sila ang tagapagtanggol nito na kanilang sinumpaan mula pa nang sila ay dumapa sa harapan ng altar at sumagot sa panawagan ng Panginoon, ang natatanging bukal ng Katotohanan.
Oo nga, sila ang tagapagdala at tagapagtanggol ng katotohanan subalit sila ay hindi mga Superman o mga diyos na dapat sambahin. Ang mga pari ay tulad din natin. Pinili nga sila ng Diyos, espesyal ika nga, subalit sila’y may buto’t balat din tulad natin, lapat din ang kanilang mga talampakan sa lupa at mayroon din silang pansariling kahinaan. Tao din sila. At dahil dito, sila’y karamay natin sa lahat ng bagay sapagkat sila’y galing sa atin, sa sambayanang hinabi ng kultura at paniniwala. Sa atin sila galing, sa atin din sila ibinibigay ng Diyos bilang mga regalo na maghahasik ng Kanyang pagmamahal.
Dahil dito, ang paghihirap natin ay paghihirap din nila at ang kaligayahan natin ay kaligayahan din nila. Ang mga pari ay tunay na kadugo, kapuso at kapamilya nating lahat.
Sa pamilya ng sambayanang Pilipino, ang mga kaparian ang kinikilala nating mga AMA sapagkat sila ang nagsisilbi sa ating mga tagagabay, mga pastol, upang malaman natin kung alin ang tama at mali, kung alin ang nararapat at di-nararapat, nang sa gayo’y marating natin ang isang magandang kinabukasan. Bilang mga ama, sila ang nagsisilbing tagapag-aruga ng moral at espirituwal na aspekto ng ating buhay. Kung ang mga magulang sa isang pamilya ang namamagitan sa alitan ng kanilang mga anak, ang mga pari rin ang nagsisilbing tagapamagitan sa alitan ng kanilang mga inaalagaang tupa. Sila ang tagapayo, tagagabay at tagapamagitan sa pamilya upang panatilihin ang pagkakaisa at papag-ibayuhin ang pagkakaunawaan sa bawat isa sa atin.
Ang bansa natin ngayon, malungkot mang isipin, ay ‘di lamang lugmok sa kahirapan kundi sugatan na rin dahil sa mga kasinungalingan at pandaraya. Watak-watak na tayo bilang isang pamilya ng Diyos. Tayo’y nabubulag na rin dahil sa mga makasariling pagnanasa at kasakiman sa pera, kapangyarihan at katanyagan. Tayo’y bulag at pipi na rin na ‘di na tuloy malaman kung saan patutungo. Tayo ay sugatan hindi lamang sa isip at sa katawan kundi pati na rin sa kaluluwa. Ang paggawa ng kasalanan ay nagiging ordinaryo na lamang sa atin sapagkat ginagawa ito ng nakararami lalo na ng mga taong kinikilala nating mga “huwaran” at ang paggawa ng kabutihan ay hindi na uso sa panahon na nararapat na lamang ibasura at burahin sa ating mga isipan.
Subalit, sa gitna ng lahat ng ito, mahirap mang tanggapin, ang mga sugat ng ating naghihingalong bansa ay tiyak na may pag-asa pa ring maghilom. Kung ang katotohanan lamang sana na tanging ipinaglalaban ng ating mga kaparian ang mananaig, ‘di tayo magkakaganito.
“SUNDIN NATIN ANG ATING MGA OBISPO!”
Ito ang isinisigaw pa rin ng sambayanang Pilipino. Kung naniniwala tayo na ang ating mga kaparian ang inatasan ng Diyos na maghatid at magpahayag ng Kanyang Salita, sundin natin sila. Sila “ang tinig sa kalawakan”, ang tagapagtanggol ng katotohanan. Sila ay kapamilya natin at handa silang tumulong sa paghilom ng ating sugatang bansa sapagkat sila rin ay sugatan tulad natin. Sila ay mga Pilipino rin. Kasama, kaisa at kasangga natin sila sa paglalakbay patungo sa pambansang paghilom at pagkakaisa.
HALINA’T MAKIISA!

0 Comments:
Post a Comment
<< Home